.Ngayong Linggo,
sumama muli kay Richard Gutierrez sa ikalawang bahagi ng kanyang adventure sa Kalinga.
Ang Kalinga ay biniyayaan ng magagandang tanawin---gawa ito ng mga kabundukan na tila hindi nababahiran ng polusyon.
Ang Kalinga din ay hindi lamang tahanan ng mga tribo sa bundok kundi dito din dumadaloy ang isa sa pinakamagandang ilog na iyong makikita sa balat ng lupa---ang Chico River.
Bukod sa makasaysayang kuwento ng ilog, nagbibigay din ito ng adrenaline rush para sa mga turista.
Tinahak ni Richard ang kahabaan ng ilog sakay ng rubber boat at umaandar sa pamamagitan lang ng sagwan!
At tila nakapanlilinlang ang Chico River dahil may mga bahaging kalmado ito pero may mga parte ring tila susubukin ang iyong tapang.
Ano nga kaya ang pakiramdam ng adventure sa white water rafting?
Sa kanyang pamamasyal sa Kalinga, nakilala din ni Richard si Mang Manuel, ang pinakamatandang residente ng Naneng Village.
Pinatikim siya ng isang napakalagkit na kakanin na tanging sa Kalinga lang matatagpuan.
Exciting pero malalim ang mga naging karanasan ni Richard sa Kalinga.
At bilang panulak, uminom si Richard ng dumi ng musang?!
Anu-ano pa nga ba ang maaring ipagmalaki ng probinsiya?
Huwag magpaiwan sa Pinoy Adventures sa Sunday Grande, pagkatapos ng I Bilib!
.